Saturday, August 14, 2010


- Madalas nararamdaman ko na ang dami-dami kong gustong sabihin. Katulad ngayon. Habang nagsusulat ako dito ngayon, naiisip ko na sobrang rami ng dapat kong ilabas. Ewan ko ba, siguro kasi halo-halo ang thoughts ko pero hindi ko naman alam kung paano sila palabasin. Pero every once in a while, talagang lagi kong nararamdaman 'to. Kaya lang, bakit ganun, para bang wala akong mahanap na equivalent words/actions sa kung ano man ang tumatakbo sa loob ko.

- Ang mga pinaka-random pero pinakamalalalim na sentiments ko e lahat dumating sakin sa mga unexpected na sitwasyon at oras - sa loob ng fx, habang naglalakad sa kung saan, pagkagising, habang nakikinig sa katahimikan, habang nakatitig sa mga dahon at ulap. Minsan maiisip ko nalang na ganito pala ang reason kung bakit ganun ang isang bagay. Minsan marerealize ko nalang na 'ito' pala ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon, kung bakit meron ganun.. Masarap kung maisusulat ko sila sa mga mismong moment na dumating sila sakin, pero kahit kailan, hindi ko yun ginawa. Pakiramdam ko kasi, merong mawawala, yung dreamlike ethereal-ness nung thought.

- I understood one thing today - para ko nang isinasara ang sarili ko sa mga tao sa paligid ko. Kung magkakaroon man ako ng mga problema o bagong experiences ngayon? Wala akong kukwentuhan, wala akong mapag-o-open-an. Hindi na ako kasing-bukas ng katulad dati. At alam ko na meron 'tong epekto sakin. Ikinukulong ko lahat ng feelings, maganda man o hindi, sa loob ko, at malamang-lamang dadating ang araw na magiging isang malaking lupon nalang ako ng sadness at poignant happiness. Siguro dapat binubuksan ko ang sarili ko para makapasok ang ibang tao. Hindi ko gustong dumating pa yung araw na magkakaroon ng mga pangyayari na hindi ko kayang sarilihin, tapos pag kinailangan ko ng taong pwedeng masabihan, wala akong makausap.