Bago ako magpost dito sa blog na 'to, binabasa ko yung una kong blog na four years na ang tanda. Aaminin ko na, medyo nakakahiya ang mga sinulat ko dun nung fourth year highschool ako. Dati, iniisip ko na napaka-mature ko na at alam ko na ang lahat ng bagay tungkol sa buhay, pagmamahal at pakikisama sa ibang tao. Hindi pala.
Kung mababasa mo man ang mga early entries ko dun, hindi na ako magugulat kung mandidiri ka din. Kasi naman, puro tungkol sa pambatang feelings, bursts of excitements, at mga ka-naive-an ng isang teenager ang nakasulat dun. Hindi ko naman sila magawang mabura kasi ang iba doon ay nostalgic at madalas pinanggagalingan ng katuwaan ng mga kakilala ko noon. Pero, sa totoo lang, ayoko nang balikan ang phase na 'yun.
Nung naglaon, mas naging deep ang mga sinusulat ko. Relaxing at nawalan na ng madaming mura. Pero napansin ko, puro tungkol lahat yun sa kasiyahan. Blog ko nga siya pero hindi ko naman maisulat at mai-open doon ang lahat ng gusto kong sabihin. Part of the reason na din kasi na madaming nagbabasa ng blog na yun at medyo delikado (at nakaka-invade ng privacy) kung malalaman ng buong mundo ang totoong nangyayari sa buhay ko.
Karamihan sa entries ko noon e gustung-gusto ko. Yung mga stories, mga everyday sharings, mga ganun. Nakakatuwa ang basahin ang blog na 'yun. Nakakawala ng stress. Pero ngayong medyo nagkaka-edad na 'ko at kailangan ko nang maging totoo pa lalo sa sarili ko, naisip kong gumawa ng isa pang blog kung saan hindi ako magdadalawang-isip na isulat lahat ng gusto kong sabihin.
Emotional ba ako? Sa totoo lang, medyo oo. Pero ngayon, iniiwasan ko nang maging napaka-emotional. Nagiging introvert na nga ako e. Naiisip ko kasi na parang wala namang patutunguhan kung makipag-usap ako sa mga tao sa paligid ko. Kahit sabihin pang close kami, kakaunti lang talaga ang nakakaalam kung sino ako. Siguro isa o dalawa?
Ngayon, ginawa ko ang blog na 'to para mas maging open ako sa sarili ko (at kung may ipagpapa-alaman ako ng website na 'to), at para mailabas ko din ang jaded side ko. Medyo kinakabahan din ako, kasi baka malunod ako sa sarili kong thoughts. Pero sige. Ilabas na natin. Susubukan ko din naman gawing 'light' ang mood ng pagsusulat ko.
Yun nga lang, mas magiging personal, this time around.

No comments:
Post a Comment