One of the best exchange of words I've ever had in my life.
~: Madalas pag nagsulat ako kung saan-saan napupunta yung takbo ng utak o sinusulat ko kaya masyadong napapahaba kahit hindi ko na alam kung ano nga ba talaga yung point ko in the first place hanggang sa makatamaran ko nang tapusin.
=: Minsan talaga nangyayari yan, kahit sakin at sa blog ko. 'Yung mga tipong parang ang dami mong masusulat pero pag nakaharap ka na sa monitor, pfft. Mawawala. Pag wala naman ako sa harap ng PC, kunyari nasa fx, ganun, nagrarush ang napakadaming brilliant thoughts na pwedeng ipublish. Minsan nga naiisip kong magdala ng notepad at pen kahit saan para pag may cascade of ideas, isusulat ko. Kaso parang naiisip ko, minsan pipilitin ko ang sarili kong mag-isip ng isusulat dun kaya wag nalang.
~: Ganun din naman ako. Kahit meron akong point na gustong gawin, pag feeling ko eh nako-compel na lang ako na magsulat for the sake of finishing something, di ko na tinatapos. Pag ganung cases kasi, kadalasan nawawalan na ng 'emosyon' yung sinusulat mo ( argh.. i hate the term.. kaya lang wala akong maisip nas mas magandang ipalit..)
=: Bakit naman ayaw mo sa term na "emosyon"? Haha. E normal lang naman ang emosyon. Kung ayaw mo nun sa sinabi mo, pwedeng buhay, o saysay, etc, etc.. Pero oo. Pag pinipilit mo talaga ang ilang bagay, mawawalan siya ng buhay..
~: Hehe. Cheesy. It's one of those words na masyado na kasing gasgas kaya masakit na sa tengang pakinggan. Hindi dahil sa wala talaga itong kahulugan in the first place kundi dahil sa tagal ng pag-abuso dito, parang unti-unting nauubos ang meaning nya over time.
=: Sa tingin ko nga, nauubos na ang meaning ng salitang "emosyon". Nowadays, kapag hinarap mo 'yan sa mundo, pagtatawanan ka lang, sasabihing mahina ka, etc, etc.. Bakit kaya ganun, ano? Kung ano pa ang importante, yun pa ang nagagasgas ang meaning.
~: Yun kasi ang paulit-ulit na ginagamit. I guess mostly dahil yung mga concepts na nakakabit sa kanila ay universal kaya kahit saang sulok ka ng mundo ka pumunta, maririnig at maririnig mo, like hope and perseverance (ugh), love (double ugh) for example. Kaya kasi nagiging cliche ang isang bagay ay dahil paulit-ulit na ginagamit, pero minsan kung titingnan mo, kaya sya paulit-ulit na ginagamit ay dahil malaking bahagi pa rin ng bagay na yun ang totoo at naangkop sa kabila ng paglipas ng mahabang panahon. Maraming tao nga lang ang umaabuso at ginagamit ng walang pakungdangan ang mga bagay na yun kaya nababawasan ang meaning over time.
=: Oo nga, halos palagi nalang ginagamit ang salitang 'yun. Kaya nga nawawala na ang meaning nya.. Natawa naman ako sa 'hope' at 'perseverance', yan yung mga tipo ng salitang napakaganda at lalim ng meanings pero pag naririnig mo, parang.. ang awkard pakinggan. Siguro ganun na nga ang naging epekto ng "cliches" satin.. Lalo naman 'yung 'love' diba. Na-a-amuse nalang nga ako sa mundo e, kasi iba-iba ang interpretations ng salitang 'to, tapos contradictory pa 'yung iba. Ino-overuse ang salitang 'to (malamang-lamang ang pinaka-overused sa lahat), to the point na halos tine-take for granted nalang yung real meaning nya.
~: Love's definitely the most overused word in the world. I'm not saying na wala na yung meaning dahil despite ng walang pakundangang paggamit ng ibang tao dito, there are those people na pinatunayan at patuloy na pinatutunayan na it's more than just a word that you can use for your convenience anytime you please, pero more often than not, it's something na mabilis na lumalabas sa bibig ng ibang tao nang di nila namamalayan o nararamdaman.
=: Ayun. na-a-amaze din ako sa mga taong basta-basta nalang binibitawan 'yung salitang "yun". Kasi naman, hindi nila alam ang bigat ng sinasabi nila.. Kaya siguro minsan hirap din akong sabihin 'yun, kasi I know its effects. Pero sa mga nasabihan ko na nun, I've said it truthfully. Ngayon, na exposed na 'ko sa real, adult world, hindi ko na masasabi na love is always a happy thing.. Pero naniniwala pa naman din ako dito, but not to the extent katulad dati.
~: Yeah.. There are some words that I just can't bring myself to say no matter how simple they seem to be.
No comments:
Post a Comment